Epidemya ng swine fever nararanasan sa Japan

Kumakalat na rin ngayon ang kaso ng swine fever sa Japan.

Inilarawan ni Japanese Farm Minister Takamori Yoshikawa na “extremely serious” ang sitwasyon kung saan apektado ang limang central area at western prefectures sa Japan.

Bumuo na ng special task force sa Gifu Prefecture sa Japan para maiwasan na ang pagkalat ng sakit.

Nagsimula sa Gifu ang swine flu at kumalat na rin sa mga farm sa Aichi, Osaka, Shiga, at Nagano.

Noong Miyerkules nagsagawa na ng Cabinet meeting para masolusyonan ang problema.

Tinatayang aabot sa 15,000 na baboy ang nakatakdang patayin dahil sa epekto ng swine flu.

Read more...