Mga pasyenteng may tigdas siksikan sa San Lazaro Hospital
Sa dami ng bilang ng mga batang tinatamaan ng kaso ng tigdas patuloy ang pagdami ng bilang ng mga pasyente na dinadala sa San Lazaro.
Siksikan na ngayon ang mga pasyente sa naturang ospital.
Kahapon dumalaw si Senator Richard Gordon sa mga naka-admit na pasyente.
Aniya, ang ration ngayon ng hospital bed to patients ay 1 is to 2 o ‘di kaya ay 1 is to 3.
Ibig sabihn, sa bawat isang hospital bed, 2 hanggang 3 pasyente ang magkasama.
Tiniyak naman ni Gordon ang suporta ng Philippine Red Cross (PRC) sa kampanya ng Department of Health (DOH) kontra tigdas.
Aatasan na rin ang lahat ng Red Cross Chapters sa bansa na tulungan ang mga pasyente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.