Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ngayong taon ipapatupad ang voluntary regularization program para sa mga kumpanyang myembro ng Employers Confideration of the Philippines o ECOP.
Paliwanag ni Bello, sakop ng naturang kasunduan ang pag-regular sa 30 hanggang 40 porsyento ng mga manggagawa sa 3,200 establisyemento.
Ilan lang ang anya sa mga kumpanya na nagsumite ng kanilang voluntary organization plan ay ang SM Malls at Jollibee corporation na una na rin nilang nasita.
Samantala, sinabi naman ng opisyal na magiging exempted o hindi isasailalim sa labor inspection sa loob ng 3 taon ang ECOP-member companies na makikibahagi sa naturang programa.