DOLE umaasang libu-libong manggagawa ang mare-regular sa trabaho ngayong taon

By Ricky Brozas February 07, 2019 - 08:03 AM

Umaasa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magiging maganda ang pasok ng 2019 para sa mga manggagawa.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ngayong taon ipapatupad ang voluntary regularization program para sa mga kumpanyang myembro ng Employers Confideration of the Philippines o ECOP.

Paliwanag ni Bello, sakop ng naturang kasunduan ang pag-regular sa 30 hanggang 40 porsyento ng mga manggagawa sa 3,200 establisyemento.

Ilan lang ang anya sa mga kumpanya na nagsumite ng kanilang voluntary organization plan ay ang SM Malls at Jollibee corporation na una na rin nilang nasita.

Samantala, sinabi naman ng opisyal na magiging exempted o hindi isasailalim sa labor inspection sa loob ng 3 taon ang ECOP-member companies na makikibahagi sa naturang programa.

TAGS: DOLE, job, labor force, DOLE, job, labor force

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.