20% Student Discount, aprubado ng Senado

By Dona Dominguez-Cargullo, Lyle Kaye Returco - Radyo Inquirer Intern February 07, 2019 - 07:48 AM

Inaprubahan ng Senado sa final reading ang panukalang batas na naglalayong ibaba sa 20% ang pamasahe ng mga estudyante sa iba’t-ibang pampublikong sasakyan.

Ang panukalang batas ay magbibigay ng transport discount hindi lamang sa mga bus, jeepney at mga tricycle kundi pati sa mga transport network vehicle services, shuttle services, LRT, MRT, PNR at mga domestic flights.

Kinakailangan lang na ipakita ang mga school ID o iba pang mga dokumento na magsisilbing patunay na enrolled ang isang estudyante sa eskwelahan.

Ang panukalang batas ay magiging epektibo kapag napirmahan na ni Pangulong Duterte.

TAGS: fare, LRT, MRT, PNR, Radyo Inquirer, student discount, fare, LRT, MRT, PNR, Radyo Inquirer, student discount

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.