Mainit na panahon dahil sa ridge of HPA patuloy na mararanasan

By Rhommel Balasbas February 07, 2019 - 05:37 AM

Patuloy na nakaaapekto sa bansa ang ridge of High-Pressure Area (HPA) partikular sa extreme northern Luzon.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, mahina ang ihip ng hanging Amihan sa ngayon at mararanasan ang maaliwalas at may kainitang panahon.

Sinabi ni PAGASA weather forecaster Lorie dela Cruz na isa sa mga epekto ng ridge of HPA ay ang pagpigil sa pamumuo ng mga kaulapan.

Ang buong Luzon kasama na ang Metro Manila ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may mababang tyansa ng mga pag-ulan.

Sa Palawan, Visayas at Mindanao bagaman magiging mainit ang panahon ay may posibilidad ng mga panandaliang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa hapon o gabi.

Walang nakataas na gale warning sa anumang bahagi ng bansa kaya’t ligtas ang paglalayag ng mga mangingisda.

TAGS: 4am weather update, Northeast monsoon, PAG-ASA DOST, ridge of high pressure area, 4am weather update, Northeast monsoon, PAG-ASA DOST, ridge of high pressure area

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.