Panukalang ROTC sa senior high students, aprubado na sa 2nd reading ng Kamara
Aprubado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na magiging mandatory para sa senior high school students na sumailalim sa Reserved Officers Training Program (ROTC).
Inaprubahan ang House Bill 8961 na mag-oobliga sa pagsailalim sa ROTC ng Grades 11 at 12 students sa pribado at pampubling eskwelahan.
Layon ng bill na malinang sa mga estudyante ang nasyonalismo, nation building at paghahanda ng mga kabataan.
Sa ilalim ng panukalang batas, ang mandatory Basic ROTC program para sa Grades 11 at 12 ay pre-requisite sa graduation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.