UPDATE: Siyam na magkakamag-anak patay sa sunog sa Pasay
Siyam ang kumpirmadong nasawi sa sunog sa isang residential area sa Pasay City Huwebes ng umaga.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), natagpuan ang bangkay ng siyam na biktima sa loob ng isang bahay sa 336 Almador Street sa Brgy. 183 Maricaban, Pasay.
Kinilala ang mga namatay na sina Mark Joseph Calma, 23 anyos; John Clark Calma, 17 anyos; Andrew James Calma, 11 anyos at ama nilang si Michael Calma. Ang mga ito ay nasa taas ng bahay nang maganap ang sunog. Nakaligtas naman ang ina ng pamilya Calma.
Patay din ang lahat ng miyembro ng pamilya na nakatira sa ibabang bahagi ng bahay na nakilalang sina Jhulea Janet Guablas, 16 anyos, Nichole Guablas, 9 anyos; Andrei James Guablas, 2 anyos; Julius Guablas at Rheadela Guablas.
Sinasabing hindi agad nakalabas ng bahay ang mga biktima.
Sumiklab ang sunog pasado alas 2:00 ng madaling araw.
Umabot lamang sa unang alarma ang sunog na naapula dakong 2:14 ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.