San Miguel, inilampaso ang Blackwater

By Len Montaño February 07, 2019 - 03:49 AM

Ipinakitang gilas ng San Miguel ang pagiging kampeon nito nang talunin ang Blackwater sa PBA Philippine Cup Miyerkules ng gabi sa score na 93-79.

Ang Beermen, na target ang kanilang ikalimang sunod na Philippine Cupt title, ay nakaungos mula sa magkasunod na talo para maitala ang kartadang 3-3.

Dahil dito ay umakyat ang standing ng San Miguel sa ikaapat na pwesto mula sa 8th spot at nakatabla ang TNT.

Sa ikatlong kwarter ng laban ay neck to neck pa ang dalawang koponan.

Pero umalagwa ang defending champions at gumawa ng 8-0 run sa pangunguna ni Terrence Romeo.

Sa pamamagitan ng three-point play ni Romeo ay lumamang na ang Beermen hanggang tuluyang talunin ang Blackwater.

TAGS: Blackwater Elite, PBA Philippine Cup, San Miguel, Terrence Romeo, TNT, Blackwater Elite, PBA Philippine Cup, San Miguel, Terrence Romeo, TNT

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.