5 suspek sa pagsabog sa Jolo, kinasuhan na

By Rhommel Balasbas February 07, 2019 - 03:36 AM

Nagsampa na ng kaso ang Provincial Prosecutor of Sulu ng kaso laban sa limang suspek sa pagpapasabog sa Jolo Cathedral noong January 27.

Inihain ni OIC-Provincial Prosecutor Rommel Cancio ang mga kasong complex crime of multiple murder with multiple frustrated murder laban kina:

  • Mukammar L. Pae alias Kamah
  • Albadji Gadjali alias Awag
  • Radjan Gadjali alias Radjan
  • Kaisar B. Gadjai alias Issal
  • Said Alih alias Papong

Si Kamah ang sinasabing bomb maker at kapatid ng nasawing sub-leader ng Abu Sayyaf na si Surakah Ingog.

Matatandaang ang limang suspek ay sumuko sa pulisya nitong Lunes.

Ayon kay Department of Justice Undersecretary and spokesman Mark Perete, ang mga kaso ay isinampa sa Jolo Regional Trial Court.

Iginiit ni Parete na ang mga ebidensya at testigo na kakailanganin sa paggulong ng kaso ay nasa Jolo kaya’t mas magandang doon gawin ang mga pagdinig.

Ito ay maliban na lamang kung mayroong mga sapat na dahilan para ilipat ang kaso sa Maynila.

Sa ngayon anya ay wala pang anumang hiling na ilipat ang kaso sa Maynila.

Patuloy namang pinaghahanap ang iba pang suspek sa pagsabog na sina Hatib Hajan Sawadjaan alias Imam, Usman Absara alias Usman, Barak Ingog alias Bars/Barak, at Makrim Habisi alias Makrim.

TAGS: Abu Sayaf, Jolo blast, Jolo Cathedral, Provincial Prosecutor of Sulu, Abu Sayaf, Jolo blast, Jolo Cathedral, Provincial Prosecutor of Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.