Ikalawang BOL plebiscite, mababa ang voter turnout
Mababa ang naging voter turnout ng ikalawang plebisito para sa pagsama ng dagdag na mga lugar sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) o ang Bangsamoro Organic Law (BOL) plebiscite.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Region 12 director Michael Abas, nasa 60 percent lamang ng inaasahang bilang ng mga botante ang naitala sa plebisito kahapon.
Malaki anya ang impact ng pagsabog sa Jolo, Sulu na ikinamatay ng 23 katao.
Dagdag ni Abas, posible ring hindi lang talaga interesado ang mga residente na sumali sa naturang botohan.
Sa kabila nito ay sinabi ng Philippine National Police (PNP) na generally peaceful ang ikalawang plebisito ng BOL.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.