Senado, pagbobotohan ang 2019 budget sa Biyernes

Nakatakdang pagbotohan ng Senado sa Biyernes ang bicameral conference committee report ukol sa panukalang 2019 national budget.

Inihayag ito nina Senators Koko Pimentel, Nancy Binay at Cynthia Villar makalipas ang halos 2 oras na caucus Miyerkules ng gabi.

Kumpyansa si Villar na maipapasa ang pambasang pondo habang tikom sina Pimentel at Binay sa magiging resulta ng botohan.

Ayon kay Binay, naplantsa ng bicam committee ang isyu ukol sa umanoy budget insertion.

Sinabi naman ni Pimentel na pwedeng magresulta ang botohan ng mga senador sa reenacted o bagong budget ngayong taon.

Read more...