100% ng polling centers sa 2 probinsya, nagbukas para sa BOL plebiscite
Isandaang porsyento ng polling precincts sa Lanao del Norte at North Cotabato ang nagbukas para sa ikalawang plebisito sa Bangsamoro Organic Law.
Sa isang press briefing, sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na alas-8:30 ng umaga ay natanggap nila ang ulat na lahat ng polling centers ay nagbukas.
Bagaman wala pang pinal na tala tungkol sa voter turnout sinabi ni Jimenez na nakatanggap sila ng ulat na sa ilang mga lugar ay aabot sa 75 percent ang bilang ng mga bumoto.
Sinabi ng opisyal na may usap-usapan tungkol sa mga banta sa seguridad ngunit wala namang naitalang anumang untoward incident.
Samantala, ang Comelec en banc na tumatayo bilang Plebiscite Board of Canvassers ay nakatakdang mag-convene ngayong araw para sa tallying ng Certificates of Canvass (COCs).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.