Locsin: Chinese workers, hindi inaagawan ng trabaho ang mga Pinoy

By Len Montaño February 07, 2019 - 02:31 AM

Nilinaw ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na hindi inaagawan ng trabaho ng mga manggagawang Chinese ang mga Pilipino.

Sa kanyang tweet ay sinabi ni Locsin na dapat kumalma ang publiko.

Ang pahayag ng kalihim ay kaugnay ng bagong visa sa pagpasok ng mga Chinese sa Pilipinas.

Ayon kay Locsin, ang bagong “visas upon arrival” ay nasa ilalim ng Bureau of Immigration at hindi sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Hindi anya inaagawan at nawawalan ng trabaho ang mga manggagawang Pinoy.

Paliwanag ng opisyal, sa pamamagitan ng naturang bagong visa, ang mga Chinese nationals ay nasa ilalim ng online gaming sa Mandarin o ang pagsusugal gamit ang Chinese characteristics na hindi para sa mga Pilipino.

Inihalintulad pa ni Locsin ang nasabing mga dayuhan na parang mga mahihirap na Pilipino sa ibang bansa.

Nanawagan din ito sa publiko na huwag maging racist sa mga dayuhan at katutubo.

TAGS: Chinese characters, Chinese Nationals, DFA Sec. Teddy Boy Locsin, online gaming, visas upon arrival, Chinese characters, Chinese Nationals, DFA Sec. Teddy Boy Locsin, online gaming, visas upon arrival

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.