Provincial buses, bawal na sa EDSA simula Abril
Tuluyan nang ipagbabawal ang provincial buses sa kahabaan ng EDSA simula Abril ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ito ay upang mapaluwag ang trapiko sa kahabaan ng naturang major thoroughfare.
Simula sa Abril, ang mga pasahero na galing sa norte ay kailangan nang bumaba sa integrated bus terminal na binubuo sa Valenzuela.
Sa Valenzuela ay sasakay naman sila ng mga bus na patungo sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.
Ang mga manggagaling naman sa timog na bahagi ay bababa sa integrated terminal sa Sta. Rosa Laguna kung saan sila ay lilipat sa mga city buses.
Sinabi rin ng MMDA na unti-unti nang isasara ang 46 provincial bus terminals sa kahabaan ng EDSA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.