Arjo Atayde, ibinahagi ang larawan na magkasama sila ni Maine Mendoza

Arjo Atayde FB

Matapos aminin na “exclusively dating” sila ni Maine Mendoza, ibinahagi ni Arjo Atayde ang larawan na magkasama sila ng dalaga.

Makikita sa larawan na may kasamang iba sina Arjo at Maine at may hawak silang toy gun.

Hindi malinaw kung kailan at saan kinunan ang litrato na naka-post sa official Facebook page ng aktor.

Una rito ay kinumpirma ni Arjo ang paglabas-labas nila ni Maine.

Ilang fans ang suportado ang sinasabing relasyon ng dalaga kay Arjo pero mayroon din namang tutol gaya ng mga fans ng dating partner ni Maine sa “Aldub” tandem na si Alden Richards.

Ilang netizens pa ang ininsulto at binantaan si Arjo at pamilya nito.

Dahil dito ay nakiusap ang ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez na itigil na ang hindi patas na pagtrato sa kanyang anak.

Read more...