Judge, patay sa pananambang sa Northern Samar

By Dona Dominguez-Cargullo November 23, 2015 - 09:46 AM

crime-scene-e1400865926320Isa na namang judge ang nasawi matapos tambangan sa labas ng isang sabungan sa Pambujan Laoang, Northern Samar.

Kinilala ang biktima na si Northern Samar Regional Trial Court (RTC) Judge Reynaldo Espinar.

Bago naganap ang insidente ng pamamaril kay Espinar ay nakakatanggap na umano ito ng mga pagbabanta sa kaniyang buhay, simula pa noong nakaraang taon.

Kamakailan, isang empleyado rin ng northern Samar RTC ang binaril at napatay ng tatlong kalalakihan na pawang nagpanggap bilang aplikante na kukuha ng Court Clearance.

Noon lamang November 12, pinagbabaril din at napatay si Judge Wilfredo Nieves ng Bulacan Regional Trial Court (RTC) Branch 84.

Si Nieves ang nagbaba ng hatol laban sa isa sa mga lider ng Dominguez car theft group nooong 2012.

Noon namang buwan ng Setyembre, binaril din at napatay si Aurora RTC Branch 91 Judge Jude Erwin Alaba habang pababa ito sa sasakyan malapit sa court room.

TAGS: JudgeshotdeadinNorthernSamar, JudgeshotdeadinNorthernSamar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.