Senado niratipikahan ang bicam reports sa 3 panukalang batas

Niratipikahan ng Senado ang ilang bicameral conference reports ukol sa tatlong panukalang batas.

Kabilang ang bicam report sa disagreeing provisions of Senate Bill No. 1532 at House Bill No. 8862, ang Innovative Start-Up Act.

Kapag naging batas, ang bill ang magbibigay daan sa exemption sa bayad sa paggamit ng equipment, pasilidad at ibang serbisyo ng ahensya ng gobyerno.

Nakapaloob din ang probisyon na Ten Billion-Pesos Innovative Startup Venture Fund para sa mga entrepreneurs o negosyante sa ilalim ng Department of Science and Technology (DOST).

Niratipikahan din ng Senado ang bicam committee report sa disagreeing provisions of Senate Bill No. 1534 at House Bill No. 8734 na layong amyendahan ang Magna Carta for Scientists, Engineers, Researchers at ibang S&T Personnel in the Government.

Layon din nito na amyendahan ang retirement at salary benefits para sa mga scientists at ibang science at technology personnel.

Isa pang niratipikahan ng Senado ang bicam committee report sa Student Fare Discount Act kung saan obligado na ang diskwento sa pamasahe ng mga estudyante.

Oras na maratipikahan na ng Kongreso, ang naturang mga panukalang batas ay pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte para maging ganap na batas.

Read more...