MILF political officer, patay sa ambush sa North Cotabato

Tinambangan ang isang magsasaka at political committee officer ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Sitio Campo, Barangay Malapag sa Carmen, North Cotabato.

Ayon kay PO3 mark John Penaso ng Carmen municipal police station, binaril ng dalawang suspek si Ibrahim Kumadtong, residente ng Sitio Selangan, habang sakay ito ng kanyang motorsiklo.

Nasugatan naman ang anak at apong babae ni Kumadtong na kasama nito.

Sinabi ni Datuan Panolimba, MILF officer at kaanak ng mga biktima, si Kumadtong ay political committee officer ng grupo.

Dinala ang mga biktima sa ospital sa bayan ng Kibawe kung saan idineklarang dead on arrival si Kumadtong.

Tinitingnan ng pulisya ang tinatawag na rido o awayan sa pamilya na posibleng motibo sa pamamaril.

Ayon sa imbestigador ng kaso, nakatayo sa kalsada ang mga naka-bonet na suspek saka nila pinagbabaril ang mga biktima.

Read more...