Marion Aunor, inimbitahan na dumalo sa Grammy Awards

By Len Montaño February 06, 2019 - 09:46 PM

Nakatanggap ang singer-songwriter na si Marion Aunor ng imbitasyon na dumalo sa seremonya ng 61st Annual Grammy Awards sa Staples Center sa Los Angeles sa February 10.

Ayon kay Marion, malaking karangalan para sa kanya na maging bahagi ng naturang prestihiyosong event kung saan nagtitipon-tipon ang mga sikat na performers.

Naging miyembro ng Grammys si Marion dalawang taon na ang nakalipas.

Nais umano nitong linangin ang kanyang musika kaya pabalik-balik siya sa LA.

May una nang imbitasyon na dumalo ang singer sa Grammys noong nakaraang taon pero nagkasakit ito.

Ngayon ay tiyak ng dadalo si Marion at mayroon na nga siyang gown na isusuot.

Kamakailan lang ay nakagawa si Marion ng kanta na original sound track ng bagong pelikula nina Xian Lim at Louise Delos Reyes na “Hanggang Kailan.”

TAGS: 61st Annual Grammy Awards, Grammy Awards, Grammys, Marion Aunor, 61st Annual Grammy Awards, Grammy Awards, Grammys, Marion Aunor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.