Tigdas pangunahing agenda sa cabinet meeting sa Malacañang

By Chona Yu February 06, 2019 - 07:25 PM

Malacañang photo

Dahil sa patuloy na tumataas na kaso ng mga batang namamatay sa tigdas, tatalakayin ngayong gabi sa cabinet meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte ang immunization program ng Department of Health.

Matatandaang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nanghikayat sa mga magulang na pabakunahan ang mga sanggol sa iba’t ibang immunization program gaya halimbawa ng polio, hepatitis at iba pa at huwag matakot sa gitna ng kontrobersiya sa Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, bukod sa immunization program, nasa agenda rin sa cabinet meeting ng streamlining o pagbabawas ng mga proseso sa Department of Agrarian Reform (DAR).

Una rito, sinabi ng pangulo na sisibakin niya ang dalawang opisyal sa Land Conversion Office sa DAR dahil sa isyu ng korapsyon.

Ilan pa sa mga pag-uusapan sa cabinet meeting ay mga paraan para mapataas ang antas ng pamumuhay ng mga magsasaka at mangingisda, papano  sila mabibigyan ng mas mahusay na access sa pag utang at loan facilities, papano mapahusay ang productivity sa sector ng agrikultura at ang usapin sa national ID system.

TAGS: cabinet meeting, duterte, Malacañang, Nograles, tigdas, cabinet meeting, duterte, Malacañang, Nograles, tigdas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.