Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang lalawigan ng Pangasinan at mga kalapit lugar.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs), naitala ang epicenter ng pagyanig sa Silangang bahagi ng bayan ng Aguilar, Pangasinan.
Sa mga paunang impormasyon na kanilang nakalap, sinabi ng Philvocs na naramdaman ang lindol sa intensity V sa Villasis, Pangasinan, intensity IV sa Baguio City samantalang intensity II sa Malolos, Bulacan at Guagua sa Pampanga.
Sa Laoag City at Ilocos Norte ay naramdaman ito sa lakas na intensity I samantalang may mga ulat na naramdaman rin ang lindol sa ilang bahagi ng Metro Manila.
Patuloy pa na kumakalap ng mga dagdag na impormasyon ang Philvocs kasabay ang babala na posible ang pagkakaroon ng mga aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.