Motorcycle rider, sugatan sa aksidente sa Maynila

NOV 23 Ruel
Kuha ni Ruel Perez

Duguan ang isang motorcycle rider matapos mabangga ng isang kotse sa East service road ng Roxas Boulevard sa Ermita, Maynila.

Nakilala ang driver ng motorsiklo na si Demetrio delos Santos na nagtamo ng putok sa kaniyang ulo at galos sa katawan at paa.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Traffic Enforcer 3 Jacinto Acita, mabilis umano ang takbo ng motorsiklo na may kargang ilang case ng basyo ng softdrinks.

Patungo sa direksyon ng Quirino Avenue si delos Santos nang makasalubong nito ang itim na kotse na may plakang TVQ 691 at minamaneho ni Nepthali Tirona ng Bacoor Cavite.

Agad isinugod sa Ospital ng Maynila delos Santos para malapatan ng lunas.

Dahil sa nasabing aksidente, kumalat s akalsada ang mga basag na basyo ng softdrinks na winalis naman ng mga tauhan ng Department Public Order and Safety ng Manila City Hall.

Read more...