Bilang ng mga may tigdas sa Metro Manila nadagdagan pa ayon sa DOH
Naglabas ng babala ang Department of Health kaugnay sa pagkakaroon ng measles outbreak sa Metro Manila.
Sinabi ni DOH Sec. Francisco Duque III na tumaas ng 550 percent ang bilang ng mga batang nagkaroon ng tigdas mula January 1 hanggang February 6 kumpara sa kahalintulad na panahon noong 2018.
Sa kabuuan ay umakyat na sa 861 ang kaso ng tigdas mula January 1 hanggang noong February 2 base sa monitoring ng DOH.
Pinka-maraming kaso ang naitala sa Quezon City, Manila, Caloocan, Marikina, Pasig, Navotas, Paranaque, Taguig, Pasay, at Malabon.
Nauna nang sinabi ng DOH na bumaba ang bilang ng mga nagpapabakuna noong nakaraang taon dahil sa takot na dulot ng Dengvaxia vaccine.
Sinabi ni Duque na hindi dapat matakot ang mga magulang sa bakuna sa tigdas dahil ito ay ligtas.
Ipinaliwanag pa ng opisyal na hindi dapat balewalain ang epekto ng tigdas dahil posible itong magdulot sa iba’t ibang uri ng kumplikasyon na pwedeng ikamatay ng isang pasyente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.