DENR: Ramon Ang at Lucio Tan tutulong sa rehabilitasyon ng mga ilog
Kapwa nagpahayag ng kahandaan na tumulong sa paglilinis ng mga major rivers sa bansa ang mga business tycoons na sina Ramon Ang at Lucio Tan.
Ito ang inihayag sa publiko ni Environment Sec. Roy Cimatu.
Sa isang news forum sa Maynila, sinabi ni Cimatu na gustong pangunahan ni Ang ng San Miguel Corporation ang rehabilitasyon ng Tullahan river na nag-uugnay sa Quezon City at Camanava area.
Ang Tullahan river ay isa sa pinaka-maruming ilog sa bansa.
Bilang patunay ay nakatakdang lumagda ang DENR at ang grupo ni Ang sa isang memodandum of understanding kaugnay sa nasabing plano.
Sinabi rin ni Cimatu na nagpahatid na ng abiso ang grupo ni Lucio Tan na nakahanda ring tumulong sa rehabilitasyon ng ilang major rivers sa Metro Manila.
Ipinaliwanag pa ng opisyal na sila ang pipili sa kung anong ilog ang pagtutuunan ng pansin ng grupo ng nasabing negosyante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.