CCTV footage kaugnay sa pagpatay sa NDFP consultant, inilabas ng PNP
Inilabas ng pulisya ang CCTV footage sa pagpatay kay National Democratic Front of the Philippines (NDFP) consultant Randy Malayao.
Dalawang anggulo ang inilabas na CCTV footage ng PNP Region 2, ang isa ay sa loob ng bus at ang isa ay sa labas.
Sa footage mula sa bus terminal sa Quezon City, dakong alas 9:00 ng gabi noong January 29, nakita si Malayao na sumakay sa bus patungong Isabela.
May lumapit na isang lalaki at kinuhanan ng larawan ang bus at saka umalis.
Makalipas ang limang oras, o dakong alas 2:00 ng madaling araw ng January 30, huminto sa stopover ang bus sa Aritao, Nueva Vizcaya.
Sa isang footage naman, makikita ang dalawang lalaking naninigarilyo noon sa labas ng bus.
Alas 2:21 ng madaling araw, isang lalaking nakasuot ng sumbrero at jacket ang sumakay sa bus at lumapit kay Malayao.
Doon na nadinig ang dalawang magkasunod na putok ng baril at saka naman tumakas ang suspek.
Ayon kay PNP region 2 police director Chief Supt. Jose Mario Espino, iniimbestigahan na nila ang pagkakakilanlan ng mga lalaki sa CCTV footage.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.