14 na pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Culiat, QC

By Erwin Aguilon February 06, 2019 - 12:23 PM

FB Photo: Han Na

Aabot sa P100 milyon halaga ng ari-arian ang napinsala habang 14 na pamilya ang nawalan ng bahay matapos masunog ang isang residential area sa Salam Compound sa Brgy. Culiat, Quezon City.

Ayon sa Quezon City Fire Department sumiklab ang sunog dakong 7:52 ng umaga na umabot sa ikalawang alarma at naapula dakong 8:30 ng umaga.

Sinasabing nag-umpisa ang apoy sa bahay ng isang Mona Cali.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang pitong bahay na natupok.

Problema sa electrical wiring ang isa sa mga tinitingnang sanhi ng sunog.

Wala namang naiulat na nasugatan sa nasabing sunog.

TAGS: culiat quezon city, fire incident, Radyo Inquirer, culiat quezon city, fire incident, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.