Mahigit 12 elementary students sa Cleveland na-ospital matapos makakain ng gummy candies na may taglay na marijuana
Mahigit labingdalawang estudyante sa isang elementary school sa Cleveland ang na-ospital matapos kumain ng gumm candy.
Ayon sa Cleveland Division of Police, ang nakain na gummies ng mga bata ay natuklasang may sangkap na marijuana.
Isang teacher aide ang nakapuna ng gummies at nang suriin niya ito, nabasa niya sa packaging na nagtataglay ito ng droga.
Inaresto ng mga otoridad ang ina ng estudyanteng may dala ng gummy candies.
Ayon sa ulat, binigyan ng isang estudyante ang mga kapwa niya mag-aaral ng naturang candy.
Labinglimang bata na edad 5 hanggang 9 ang isinailalim sa drug test at nakalabas na rin naman mula sa ospital.
Dumaing umano ng pananakit ng tyan ang mga bata matapos makakain ng gummy candy.
Isa sa mga bata ay nagpositibo sa isang kemikal na matatagpuan sa marijuana.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.