Pinarangalan ang Pop Singer na si Pink ng Hollywood Walk of Fame.
Ayon sa Grammy-nominated singer, tila isang panaginip lamang ang lahat.
Dumalo sa seremonya ang kaniyang asawa at ang dalawa nilang anak.
Dagdag pa ng 39-anyos na singer-songwriter na si Alecia Moore sa tunay na buhay, ito ay pagbibigay ng parangal sa kanyang ama na siyang humikayat sa kaniya na ituloy ang kanyang mga pangarap.
Si Pink ay mayroong 20 Grammy nominations at nanalo ng tatong beses.
Sa darating na Linggo, ang singer ay nominado na naman sa isang Grammy award bilang best pop vocal album para sa “Beautiful Trauma.”
Mayroon na siyang 7 studio albums at kumita ng mahigit 50 million records. Nagsimula si Pink sa kaniyang music business bilang miyembro ng isang girl group.
Ang kaniyang unang solo album na “Can’t Take Me Home” noong 2000 ay may certified double-platinum record sa US. At natanggap naman niya ang kaniyang 1st Grammy award noong 2002 para sa “Lady Marmalade”, na soundtrack ng film na “Moulin Rouge”
Noong 2004 naman ay nakatanggap si Pink ng Grammys bilang best female rock vocal performance para sa kantang “Trouble”, at best pop collaboration with vocals para sa kantang “Imagine” noong 2011.