Lalaking nanggahasa sa sariling anak, patay sa buy-bust operation sa Batangas

Patay sa buy-bust operation ang lalaking nanggagahasa umano sa kanyang 15 taong gulang na anak.

Napatay ng mga pulis ang suspek Martes (Feb. 5) ng gabi sa Mabini, Batangas.

Ayon kay Senior Supt. Edwin Quilates, ang suspek ay kinilalang si Joel Manongsong, isang diving instructor sa isang resort sa Mabini. Dawit din si Manongsong sa illegal drug trade ayon sa sumbong ng mga residente.

Nanlaban umano si Manongsong habang inaaresto dahilan para mabaril siya ng mga pulis.

Isinugod pa sa Mabini General Hospital ang suspek pero nasawi din.

Ayon pa sa mga pulis, nagsumbong noong nakaraang linggo ang asawa at anak ni Manongsong dahil sa panggagahasa sa anak na 10 beses naulit.

Nakuha sa suspek ang .38 kalibreng revolver at walong sachet ng hinihinalang shabu.

Read more...