WATCH: Outbreak ng tigdas sa Metro Manila kinumpirma ng DOH

By Dona Dominguez-Cargullo February 06, 2019 - 09:25 AM

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na mayroong outbreak ng tigdas sa Metro Manila.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Health Sec. Francisco Duque mula kasi noong January 1 hanggang February 1 ngayong taon ay umabot na sa 47 ang bilang ng mga batang nasawi dahil sa tigdas sa Metro Manila pa lamang.

Pero hindi aniya ibig sabihin na ang nasabing mga nasawi sa tigdas ay pawang taga-Metro Manila lang, dahil ang iba sa kanila ay taga-lalawigan subalit sa San Lazaro Hospital sa Maynila dinala.

Sinabi ni Duque na karamihan sa mga nasawi ay dahil sa kumplikasyon ng tigdas na pneumonia.

Libre naman aniya ang bakuna laban sa tigdas kaya dapat ay hindi mag-atubili ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang anak.

TAGS: department of health, Health, Measles, tigdas, department of health, Health, Measles, tigdas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.