WATCH: Pagbubukas ng plebisito para sa BOL naging payapa ayon sa Comelec

By Dona Dominguez-Cargullo February 06, 2019 - 08:57 AM

Sa kabila ng pagsabog na naganap sa Lanao del Norte sa bisperas ng plebisito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) naging mapayapa naman ang pagbubukas ng plebisito ngayong araw.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez, mayorya ng mga polling precincts ay nakapagbukas sa tamang oras.

Karamihan din aniya sa mga maagang pumila para bumoto ay pawang senior citizens.

Kaugnay naman sa isang alkalde na inaresto sa Pantar, North Cotabato matapos mahulihan ng armas ay sinabi ni Jimenez na hindi pa tiyak kung may kaugnayan sa karahasan sa eleksyon ang mga narekober na baril.

Pero ang malinaw ayon kay Jimenez ay lumabag sa election gun ban ang alkalde.

Samantala, pagkatapos ng pelebisito, sinabi ni Jimenez na tinatayang aabot ng hanggang apat na araw bago malaman ang resulta.

TAGS: Bangsamoro Organic Law, BOL, Lanao del Norte, North Cotabato, plebiscite, Radyo Inquirer, Bangsamoro Organic Law, BOL, Lanao del Norte, North Cotabato, plebiscite, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.