OPAPP may napili nang miyembro ng Bangsamoro Transition Authority

By Chona Yu February 06, 2019 - 08:36 AM

May listahan na ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) ng mga bubuo sa 80 miyembro ng Bangsamoro Transition Authority.

Ayon kay OPAPP Secretary Carlito Galvez, isusumite niya sa loob ng buwang ito ang naturang listahan kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Gayunman, tumanggi muna si Galvez na tukuyin ang mga magiging miyembro ng BTA.

Ayon kay Galvez, sa sandaling aprubahan ng pangulo ang listahan, agad nang panunumpain sa pwesto ang mga ito.

Ang mabubuong Bangsamoro Transition Authority ang senyales na uusad na ang pagtatatag ng Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao para sa ganap na pagpapatupad ng Bangsamoro Organic Law.

Samantala, hahayaan naman ng pangulo ang mga residente sa Lanao del Norte at North Cotabato na magdesisyon kung nais ng mga ito na mapabilang sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, igagalang ng pangulo kung anuman ang magiging resulta ng plebisitio ngayong araw sa BOL sa Lanao Del Norte at North Cotabato.

TAGS: Bangsamoro Organic Law, bangsamoro transition authority, opapp, Radyo Inquirer, Bangsamoro Organic Law, bangsamoro transition authority, opapp, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.