Hanapbuhay sa baywalk sa Roxas Blvd., balik na sa normal

By Ruel Perez November 23, 2015 - 07:54 AM

12290550_929689313764294_1013685708_o
Kuha ni Ruel Perez

Balik na sa normal ngayong umaga ang buhay ng mga negosyante at mga namamasyal sa Roxas Boulevard matapos ang naganap na APEC Summit noong isang linggo.

Isang linggo ring malinis sa publiko at vendors ang baywalk matapos ideklara ang ‘no walk zone’ sa lugar bilang bahagi ng seguridad na ipinatupad para sa APEC summit.

Ngayong araw, maagang pumwesto sa Roxas Boulevard ang mga tindero at tindera maging ang mga pamilyang sa baywalk na natutulog.

Si Mang Larry De Mirasol, maaga sa baywalk para magtinda ng isda.

Ayon kay Mang Larry noong isang linggo na bawal siyang magtinda sa baywalk ay nawalan siya ng hanapbuhay.

Dahil dito namasukan muna siya bilang tagatalop ng bawang sa Baseco compound para lamang may maiuwing pera sa pamilya.

Sinabi ni Mang Larry na malaki ang epekto sa kaniya ng paghihigpit sa baywallk dahil sa isang sakong bawang na kaniyang tinatalupan ay P70 lamang ang kita niya.

Maghapon umano niyang binabalatan ang isang sakong bawang.

Sa pagtitinda naman ng isdang salinyasi at bitbit sa baywalk, ilang minuto pa lamang siya sa kaniyang pwesto ay kumite na siya ng P150.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.