Trump nakatakdang mag-deliver ng State of the Union Speech

AP photo
Nakatakdang magdeliver ng kaniyang State of the Union Speech ngayong araw si US President Donald Trump.

Magaganap ang speech alas 9:00 ng gabi, alas 10:00 naman ng umaga oras sa Pilipinas.

Sa nasabing speech, igigiit ni Trump ang hirit niyang pondo para sa pagtatayo ng border wall sa Mexico.

Inaasahan namang aabangan ito ng milyun-milyong katao sa Amerika na pagkakataon para kay Trump upang maidepensa ang kagustuhan niyang itayo ang US southern border.

Isang linggo nang na-delay ang speech dahil sa umiral na government shutdown.

Read more...