Drug suspect patay sa buy-bust sa Bulacan

By Dona Dominguez-Cargullo February 06, 2019 - 06:59 AM

Police banner

Patay ang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos maka-engkwentro ang mga pulis sa Bocaue, Bulacan.

Ayon kay Supt. Amado Mendoza Jr., hepe ng Bocaue police, kinilala ang suspek na si Michael Conception na dati na ring nakulong dahil din sa kasong may kaugnayan sa droga.

Ikinasa ang operasyon laban sa suspek matapos makatanggap ng impormasyon ang mga pulis na sangkot pa rin siya sa pagtutulak ng shabu.

Natunugan naman ni Conception na pulis ang kaniyang katransaksyon sa ilegal na droga kaya nagpaputok ito.

Nauwi sa engkwentro ang buy-bust dahilan para masawi ang suspek.

Nakuha sa lugar ang 10 sachet ng hinihinalang shabu at isang kalibre 38 na revolver.

TAGS: Bocaue Bulacan, buy bust, encounter, Bocaue Bulacan, buy bust, encounter

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.