2 lalaki sugatan sa aksidente sa Quezon City

File Photo
Nasugatan ang dalawang lalaki matapos maaksidente habang sakay ng motorsiklo sa E. Rodriguez Sr. Ave. Sa Quezon City.

Sugat sa ulo ang natamo ni Roger Apostol matapos itong tumama sa railing habang sugatan naman sa braso at siko ang kasama niyang si Allan Pama.

Ayon sa mga nakasaksi, mabilis ang andar ng motorsiklo nang mangyari ang aksidente.

Sinabi naman ni Pama na mayroong isang kotse na gumitgit sa sa kanila kaya nabangga sila sa railing.

Pauwi na ang dalawa galing sa isang party at aminado ring kapwa sila nakainom.

Read more...