Election paraphernalia naipamahagi na sa mga lugar na pagdarausan ng plebisito sa Lanao del Norte at North Cotabato
Naipamahagi na ang mga election paraphernalia sa mga lugar sa North Cotabato at Lanao Del Norte na pagdarausan ng plebisito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL).
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez, alas 4:30 ng madaling araw ay naideliver na ang mga materyales para sa plebisito sa bayan ng Aleosan sa North Cotabato.
Naging mapayapa din ang distribusyon ng elelction paraphernalia sa bayan ng Kabacan at Midsayap.
Sa bayan naman ng Tubod sa Lanao Del Norte, alas 3:30 pa lang ng madaling araw nang magsimulang ipamahagi ang mga election materials.
Ani Jimenez, ang plebiscite commitee na nagdeliver at kumuha ng mga gamit ay pawang ineskortan ng mga tauhan ng Philippine National Police para masiguro ang kanilang seguridad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.