Pabrika ng goma sa Quezon City, nasunog

By Dona Dominguez-Cargullo February 06, 2019 - 05:59 AM

(UPDATE) Tinupok ng apoy ang isang pagawaan ng goma sa Barangay Baesa sa Quezon City.

Nasunog ang NSR Rubber Corporation sa bahagi ng Mendez St.

Ang mga goma na ginagawa sa nasabing pabrika ay ginagamit sa paggawa ng tsinelas.

Ayon sa Quezon City Fire Department, nagsimula ang sunog pasado alas 5:00 ng umaga na agad itinaas sa ikatlong alarma.

Ito na rin ang ikatlong beses na sumiklab ang apoy sa nasabing pabrika.

Alas 6:22 ng umaga nang ideklarang under control na ang sunog.

TAGS: baesa, fire incident, quezon city, baesa, fire incident, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.