Ridge of HPA umiiral sa Northern Luzon

Walang nakikita ang PAGASA na sama ng panahon na makakaapekto sa bansa sa loob ng susunod na tatlong araw.

Ayon sa 4am weather update ng ahensya, mahina ang ihip ng hanging Amihan ngayon dahil sa umiiral na ridge of High Pressure Area.

Ngayong araw, posibleng makaranas ng biglaang mga pagbuhos ng ulan ang Cagayan Valley, Aurora, Quezon, Bicol Region at Palawan.

Sa nalalabing bahagi ng Luzon kabilang na ang Metro Manila mararanasan ang may kainitang panahon lalo na sa hapon.

Sa Visayas at Mindanao ay posible rin ang biglaang mga buhos ng ulan.

Wala namang nakataas na gale warning sa mga baybaying dagat ng bansa ngayong araw.

Read more...