Miss Universe 2018 Catriona Gray, balik bansa ngayong Pebrero

By Len Montaño February 06, 2019 - 04:50 AM

Catriona Gray IG

Naghahanda na si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang pinaka-hihintay na homecoming parade sa Pilipinas ngayong Pebrero.

Ayon kay Catriona, uuwi siya sa bansa sa kalagitnaan ng buwan, in time anya sa Valentine’s Day.

Magiging bahagi ng itenerary ng Filipina beauty queen ang pagbisita sa Tondo, Manila bilang patuloy na suporta sa Young Focus Philippines, isang organisasyon na tumutulong sa mahihirap na bata para makapag-aral.

Sa ngayon ay balik New York ang dalaga matapos dumalo sa Super Bowl.

Hindi rarampa si Catriona sa New York Fashion Week pero naroon siya para sumuporta sa event.

Matapos ang panayam sa mga miyembro ng New York Fil-Am press, magbibigay ng oras Catriona sa mga miyembro ng Filipino-American community sa Tri-state area.

TAGS: 2018 Miss Universe, Catriona Gray, homecoming parade, Miss Universe 2018 Catriona Gray, valentine's day, 2018 Miss Universe, Catriona Gray, homecoming parade, Miss Universe 2018 Catriona Gray, valentine's day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.