Sto. Niño de Tondo Parish Church, itinalagang ‘Archdiocesan Shrine’

Credit: Lorenzo Atienza

Pormal nang itinalaga ang Sto. Niño de Tondo Parish Church sa Tondo, Maynila bilang isang ‘Archdiocesan Shrine’.

Ang Solemn Declaration ng parokya para maging dambana ay pinangunahan mismo ni Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle.

Sa kanyang homilya, sinabi ni Cardinal Tagle na ang pagiging Archdiocesan Shrine ng parokya ay hindi lamang isang titulo ng karangalan kundi isang misyon na palaganapin ang debosyon sa batang Kristo na anak ng Diyos.

Hinikayat ng Cardinal na palaganapin ang Mabuting Balita tungkol sa misteryo ng pagiging tao ng Panginoong Hesus na naging sanggol at naging bata.

Sa kabila ng pagkansela sa prusisyon ng Sto. Niño dahil sa banta sa seguridad matapos ang mga pagsabog sa Jolo Cathedral ay napuno ang Simbahan ng Tondo ng mga deboto.

Tiniyak ng Manila Police District ang seguridad ng mga deboto.

Ayon sa Batas Kanoniko ng Simbahang Katolika, ang pagiging dambana ng isang partikular na simbahan ay sanhi ng marubdob na debosyon patungkol sa misteryo ni Kristo, titulo ng Birheng Maria at mga banal.

Read more...