Manila Bay, babakuran para sa malawakang paglilinis
Simula ngayong Miyerkules ay lalagyan ng bakod ang Manila Bay para bigyang daan ang malawakang paglilinis sa lugar.
Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, babakuran ang kahabaan ng Baywalk mula US Embassy hanggang Manila Yacht Club.
Sinabi ni Antiporda na sasailalim ang Manila Bay renovation para maging world class.
Pinayuhan ng opisyal ang publiko na hindi ligtas ang maligo sa Manila Bay.
Maaari anyang magkasakit ang makainom ng tubig o mapasukan ng tubig ang open wound.
Dagdag ni Antiporda, sa ibabaw ay malinis na ang Manila Bay pero sa ilalim ay maraming bubog, boteng basag at basura.
Una nang sinabi ng gobyerno na aabot sa P47 billion ang gastos sa paglilinis ng Manila Bay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.