186, nag-apply ng police escorts habang papalapit ang eleksyon

By Rhommel Balasbas February 06, 2019 - 03:48 AM

Marami nang pulitiko ang humihingi ng police escorts habang papalapit ang May 2019 midterm elections.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Police Security and Protection Group Director Chief Supt. Filmore Escobal, nakatanggap na sila ng 186 applications para sa police escorts.

Sa bilang na ito, 94 ay mula anya sa mga opisyal ng gobyerno habang 92 ay mula naman sa mga pribadong indibidwal.

Dalawampu’t siyam na aplikasyon pa lang ang inaprubahan ng Comelec kung saan 15 ay opisyal ng gobyerno at 14 ay pribadong indibidwal.

Samantala, sinabi ni Escobal na marami pang hahabol para humiling ng police escorts lalo na kapag malapit na ang campaign period dahil mag-iikot ang mga kandidato.

Ang campaign period para sa senatorial at party-list candidates ay magsisimula na sa February 12 habang ang tatakbo sa local positions ay sa March 29.

TAGS: campaign period, comelec, May 2019 midterm elections, PNP, police escort, campaign period, comelec, May 2019 midterm elections, PNP, police escort

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.