Bagyong Marilyn sa Huwebes pa lalabas ng bansa

By Dona Dominguez-Cargullo November 23, 2015 - 06:37 AM

MARILYN 5AMMananatili ng ilang araw sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Marilyn.

Sa 5AM weather bulletin ng PAGASA, humina at bumagal ang Typhoon Marilyn.

Huli itong namataan sa 915 kilometers east southeast ng Virac, Catanduanes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 160 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 195 kilometers kada oras.

Ayon kay PAGASA Forecaster Aldzcar Aurello hindi inaasahang tatama ng lupa ang bagyo at ang paghina at pagbagal nito ay hudyat na ng kaniyang pagliko paakyat.

Umiiral naman sa bahagi ng Mindanao ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pulu-pulong pagkidlat-pagkulog ang mararanasan sa Silangan at Gitnang Kabisayaan, SOCCSKSARGEN and Davao region samantalang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan ang inaasahan sa mga isla ng Batanes, Calayan at Babuyan.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang iiral sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.

Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa hilagang-silangan ang iiral sa buong kapuluan na may katamtaman hanggang sa maalong karagatan.

TAGS: 5AM udpate on Typhoon Marilyn, 5AM udpate on Typhoon Marilyn

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.