Sarah Geronimo, nagtanghal sa Papal Visit sa UAE

By Rhommel Balasbas February 06, 2019 - 03:25 AM

Courtesy of Furne One

Muling ibinandera ng Asia’s Pop superstar na si Sarah Geronimo ang Pilipinas matapos itong supresang magtanghal sa Papal Visit ni Pope Francis sa United Arab Emirates (UAE) araw ng Martes.

Higit 130,000 katao ang dumalo sa misa ni Pope Francis sa Abu Dhabi na kauna-unahang misa ng isang Santo Papa sa Arabian Peninsula.

Matapos ang Papal Mass, laking gulat na lamang ng libu-libong Filipino na bahagi ng crowd na magtatanghal pala si Geronimo.

Hindi magkandamayaw ang mga Pinoy sa pagpalakpak at pagsigaw sa bawat kantang inawit ng pop superstar.

Ilan sa mga kinanta ni Sarah G. ay ang ‘The Prayer’, ‘Rise up’, ‘Heal the World’ at ang kanyang own hit na ‘Forever’s Not Enough’.

Ang videos ng performances ni Sarah G. ay kalat na kalat ngayon sa social media.

Sa kanyang mensahe sa stage, binanggit ng total performer ang bahagi ng Prayer for Peace ni St. Francis.

“Where there is hatred, let us sow love. Where there is offence, kahit mahirap po, let us forgive. Let us be a part to heal the world,” ani Sarah G.

Bukod sa kanyang mala-anghel na boses tumanggap din ng papuri ang mang-aawit dahil sa ganda ng mga suot nito na bumagay sa kanya.

Ang outfits na suot ni Sarah G, ay idinesenyo ng Dubai-based Filipino designer na si Furne One.

Ito ang ikalawang beses na nagtanghal si Sarah G. sa isang Papal Visit kung saan ang una ay noong 1995 sa pagbisita ni Pope John Paul II sa Pilipinas.

TAGS: Asia’s Pop superstar, Papal Visit, pope francis, Sarah Geronimo, UAE, UAE papal visit, Asia’s Pop superstar, Papal Visit, pope francis, Sarah Geronimo, UAE, UAE papal visit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.