Mayor ng Pantar Lanao del Norte, 8 iba pa nahulihan ng mga baril sa Iligan City

By Len Montaño February 06, 2019 - 03:11 AM

Arestado ang Mayor ng Pantar, Lanao del Norte matapos itong makuhanan ng mga baril sa Iligan City.

Nakuha kay Mayor Jabar Tago at walong iba pa ang mga baril sa checkpoint sa Barangay Tomas Cabili.

Narekober sa alkalde at mga kasama nito ang M16, MP5, 9mm pistol at hindi lisensyadong .45 pistol.

Ang pag-aresto sa alkalde ay sa gitna ng umiiral na gun ban kasabay ng election period mula January 13 hanggang June 12.

Sa naturang panahon ay bawal ang pagdadala ng baril, pampasabog o anumang nakakamatay na armas.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), ang paglabag sa gun ban ay isang election offense.

TAGS: baril, checkpoint, comelec, Comelec Gun Ban, election offense, election period, Gun ban, Mayor Jabar Tago, baril, checkpoint, comelec, Comelec Gun Ban, election offense, election period, Gun ban, Mayor Jabar Tago

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.