Anak ng konsehal sa General Santos City, arestado sa droga
By Len Montaño February 06, 2019 - 02:54 AM
Inaresto ang anak ng konsehal sa General Santos City sa buy bust operation ng pulisya sa Barangay Lagao.
Ayon kay Chief Insp. Tirso Pascual, hepe ng City Police Drug Enforcement Unit, nagpanggap ang isang pulis na buyer ng droga.
Nakabili ang otoridad mula sa suspek ng 2 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,000.
Sumailalim na umano sa drug rehabilitation ang anak ng konsehal na hindi pinangalanan.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.