11 anyos, muntik malunod sa Manila Bay

By Rhommel Balasbas February 06, 2019 - 02:43 AM

Credit: Kherwin Jayme Paguidian

(UPDATED) Sa kabila ng mahigpit na panawagan ng mga awtoridad na bawal pang paliguan ang Manila Bay, isang 11-anyos na batang babae ang nakainom ng maraming tubig ng dagat at muntikan nang malunod.

Sa video na ibinahagi ni Kherwin Jayme Paguidian sa social media, makikita ang pagresponde ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa batang babae.


Ang mga tauhan din ng MMDA ang nagsugod sa bata sa Ospital ng Maynila at kasalukuyan itong nasa intensive care unit (ICU).

Giit ng ina ng bata, nahikayat lang ang kanyang anak ng mga kaibigan nito na lumangoy sa Manila Bay.

Kahapon, holiday, alinsunod sa selebrasyon ng Chinese New Year ay dumagsa ang libu-libo katao sa Manila Bay kung saan ang iba ay nagtampisaw sa dagat.

Sa kabila ito ng babala ng mga awtoridad na hindi pa ligtas ang paliligo rito.

Bago magsimula ang rehabilitasyon ay umaabot sa 330 million most probable number (MPN) per 100 milliliters ang coliform level sa Manila Bay na lubhang mataas sa safe level na 100 MPN per 100 ml.

Ayon sa Manila Health Department, maaaring makakuha ng skin diseases, gastroenteritis, typhoid fever at hepatitis A ang mga naliligo sa Manila Bay at ang mga makakalunok ng tubig nito.

TAGS: Chinese New Year, Manila Bay, mmda, nalunod, Chinese New Year, Manila Bay, mmda, nalunod

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.