2 menor de edad, patay sa pamamaril sa internet shop sa Tacurong City

By Len Montaño February 06, 2019 - 02:31 AM

Patay sa pamamaril ang isang 14 anyos at isang 17 anyos na menor de edad sa loob ng isang internet shop sa Brgy. San Pablo, Tacurong City.

Ayon kay Supt. Joefel Siason, chief of police ng Tacurong City sa Sultan Kudarat, nangyari ang pamamaril habang abala ang 2 binatilyo sa paglalaro ng online games.

Nakilala ang mga biktima sa mga alyas lamang na Dading at Kokey.

Tinitingnan ng pulisya ang CCTV footage para sa pagka-kilanlan ng mga suspek.

Nabatid na isa ang bumaril sa mga menor de edad habang naghihintay ang isa pang suspek sa motorsiklo sa labas ng internet shop.

Nakuha sa lugar ang mga bala mula sa .45 caliber.

Kinukumbinse ng pulisya ang ibang naglaro sa internet shop nang naganap ang pamamaril na maging testigo.

TAGS: CCTV footage, internet shop, menor de edad, online games, patay sa pamamaril, TAcurong City, CCTV footage, internet shop, menor de edad, online games, patay sa pamamaril, TAcurong City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.